KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

li•kót

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagiging magalaw ng sinuman o anuman.

Paglalapi
  • • kalikután: Pangngalan
  • • likutín, lumikót, maglikót: Pandiwa
  • • malikót: Pang-uri
Idyoma
  • malikót sa aparáto
    ➞ Mahilig manghipo sa maseselang bahagi ng katawan ng isang babae o ng laláki.
  • malikót sa dúyan
    ➞ Panatag na ay naghahangad pa ng higit na kapanatagan; hindi mapakali dahil sa tinamong tagumpay.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.