KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

kí•wi

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ZOOLOHIYA Panggabíng ibon sa New Zealand (genus Apteryx) na hindi nakalilipad dahil walang pakpak, may malabuhok na balahibo, at mahabang tukâ.

kí•wi

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

BOTANIKA Halamang (Actinidia chinensis) gumagapang na kayumanggi ang kulay ng biluhabang prutas na mayroong maninipis na buhok ang balát at lungtian ang laman.

ki•wî

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Wika
Hiligaynón
Kahulugan

Tingnan ang ngiwî

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.