KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•nâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Paglalapat ng anumang kasangkapan o gámit na kasukát ng isang puwang o sirang iniuuli o kinokompone.
AKMÂ, LÁPAT

Paglalapi
  • • kanáan: Pangngalan
  • • ikanâ, kanaín, kumanâ, magkanâ: Pandiwa

ka•nâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pag-umang, tulad ng bitag o patibong.

2. Pagkasá, gaya ng baril.

Paglalapi
  • • pakanâ: Pangngalan

ka•nâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tingnan ang atáke

Paglalapi
  • • kakanâ, kanáan, pagkanâ, pakanâ: Pangngalan

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.