KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•lá•kal

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. KOMERSIYO Mga bagay na ipinagbibili.
Maraming kalákal ang iniluluwas ng Pilipinas sa ibayong dagat.
TINDÁ, PANINDÁ

2. Anumang bagay na itinuring nang patapón at muling kinolekta at ipinagbili (tulad ng plastik na bote, bakal, at papel) upang maibalik sa dáting yugto ng proseso at gawing kapaki-pakinabang muli.

Paglalapi
  • • kálakalán, mangángalakál, pangangalákal: Pangngalan
  • • kalakálin, kumalákal, mangalákal: Pandiwa
  • • pangkalákal: Pang-uri
Idyoma
  • kinakalákal ang katawán
    ➞ Babaeng nagbebenta ng katawan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.