KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•líng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkamalimutin o pagkaulianin, lalo na ang isang matandang malimit na hindi nalalaman ang mga ginagawa.
Ang halíng ay katangiang pinangangambahan ng aking lola sa kaniyang pagtanda.

2. Labis na pagkagusto o pagkawili sa isang bagay na nagiging dahilan ng pagwawalang bahala naman sa iba, o kayâ, tuluyan nang hindi napag-uukulan ng pansin.
Nalimutan niya na ang pag-aaral dahil halíng niya sa paglalarô.
KAHIBANGÁN, PAGKAHUMÁLING

Paglalapi
  • • humáling: Pangngalan
  • • mahumáling: Pandiwa
  • • halíng: Pang-uri

ha•líng

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Tingnan ang malilimutín
Madalas ay halíng na ang lolo sa lahat ng bagay.

2. Ganap na iniuukol ang isip sa bagay na labis na kinawiwilihan.
Ang batang halíng sa bayabas ay umakyat sa punò at namitas nang namitas ng bunga nitó.
HIBÁNG

Paglalapi
  • • pagkahalíng, pagkahumáling : Pangngalan
  • • halingín, mahalíng: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.