KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•lí•maw

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Mabangis na hayop-gubat gaya ng tigre at leong naninila ng kapuwa hayop.
GÁNID

2. Anumang nilaláng na nakatatakot at hindi pangkaraniwan ang hitsura.

3. Tawag din sa mga táong marahas na tíla hayop.

4. Kolokyal na tawag sa táong napakahusay sa isang gawain.

ha•lí•maw

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

May ugaling hayop.
GANID, MALUPIT

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.