KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•gu•pít

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagpalong walang pakundangan lalo na kung isang latigo o katulad nitó ang ginagamit.
Nakaaawa ang hagupít na dinanas ng kalabaw mula sa kamay ng ámo.

2. Walang pakundangang tuligsa.
Hindi matatawaran ang hagupít ng batikos kay Juan.

Paglalapi
  • • paghagupít, panghagupít: Pangngalan
  • • hagupitín, hinagupít, humagupít, ihagupít, ipanghagupít, mahagupít, manghagupít: Pandiwa
  • • panghagupít: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.