KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

há•in

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkaing nakahandâ na sa mesa.
Ang háin sa mesa ay pára sa mga bagong datíng na bisita.

2. Paghahandâ ng pagkain sa hapag o mesa.
Ilang sandali na lámang at maaari nang kainin ang háin sa dúlang ng bagong kasal.
ÁHIN

Paglalapi
  • • paghaháin: Pangngalan
  • • haínan, hinaínan, hináin, iháin, ipaháin, magháin, magpaháin: Pandiwa
Idyoma
  • haínan at pag-urúngan
    ➞ Ikinakapit sa mga táong tamad at walang ginagawa kundi kumain at matulog sa buong maghapon.
    Napipintasan si Lelia ng kaniyang biyenan dahil sa haínan at pag-urúngan siyang parang reyna.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.