KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

grá•do

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. EDUKASYON Markang itinutumbas sa mga gawain ng mga batà sa paaralan na sa Pilipinas ay karaniwang numero.

2. Tingnan ang baitáng

grá•do

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Súkat ng linaw na naibibigay ng salamin sa mata na inirereseta.
Mataas ang grádo ko kayâ hindi akó nakakakíta kung walang salamin.

2. Súkat ng taas ng lagnat o antas ng dugo.
Mataas ang grádo ng kaniyang lagnat.

Paglalapi
  • • panggrádo: Pangngalan
  • • gradúhin, ipagrádo, magpagrádo: Pandiwa

grá•do

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

Tingnan ang palapág

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.