KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gú•hit

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Nakasulat na anyong nagdudugtong ng dalawang púnto.
Hindi pantay ang gúhit sa papel na ginawa niya.
LÍNYA

2. ANATOMIYA Kulubot sa balát.
Marami na ang gúhit sa mukha ni lola dahil sa katandaan.

3. SINING Tingnan ang laráwang-gúhit
Mahusay ang gúhit mo sa larawan kong gayang-gaya sa pinagkopyahan.

4. HEOGRAPIYA Hangganan ng dalawang magkanugnog na pook.
Sa bandáng norte ang gúhit ng kaniyang pag-aari.

5. Tingnan ang lupî
Kítang-kíta ang gúhit ng pantalon mo.

Paglalapi
  • • paggúhit, panggúhit: Pangngalan
  • • guhítan, gumúhit, igúhit, ipagúhit, ipanggúhit: Pandiwa
  • • guhít-guhít, guhítan: Pang-uri
Idyoma
  • gúhit ng pálad
    ➞ Kapalaran.
    Maganda ang gúhit ng pálad ng bata.
  • lampás sa gúhit
    ➞ Sumapit na sa sukdulan o hangganan.
    Lampás na sa gúhit ang pagbibigay ko sa kaniya ng palugit sa pagbabayad ng utang.
  • nakatuntóng sa gúhit
    ➞ Naninimbang sa táong mahirap pakisamahan.
    Nakatuntóng sa gúhit ang mga empleado dahil mahigpit ang punò ng tanggapan.
  • nakatuntóng sa gúhit
    ➞ Nása bingit ng kamatayan.
    Ang kawikaan ng mga militar ay isang paa nila ang nakatuntóng sa gúhit ng kamatayan.
Tambalan
  • • laráwang-gúhitPangngalan
  • • gúhit-kamáyPangngalan
  • • salunggúhitPangngalan
  • ➞ Guhit na inilalagay sa ilalim ng salita, parirala, sugnay, o pangungusap na ibig bigyang-diin.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.