KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•wì

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Muling pagkuha sa anumang bagay na ibinigay sa kapuwa.

2. Pagkakabalik ng pera na maaaring mawala dahil sa pagkakalaan sa gawaing tulad ng sugal, negosyo, o timpalak.

3. Pagbabago ng nasabi na (lalo na kung ipinangako).

4. Tingnan ang gantí

Paglalapi
  • • pagbawì, pagkabawì, pambawì: Pangngalan
  • • bawían, bawíin, bumawì, ibawì, mabawì, magbawián, makabawì: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.