KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

Pa•ngi•no•ón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Sa Kristiyanismo, tawag-pamitagan kay Hesukristo.
POÓN, SENYÓR

pa•ngi•no•ón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Amo o may-ari ng anuman; táong may kapangyarihan sa iba pang tao o bagay.

2. Sa piyudalismo, makapangyarihang tao na nagmamay-ari ng malawak na lupain.

Paglalapi
  • • mamanginoón, manginoón, panginoonín: Pandiwa
Idyoma
  • waláng pinapanginoón
    ➞ Walang iginagalang o kinatatakutan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.