KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

nu•nò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tingnan ang ninunò

2. Sa karaniwang usapan, ang lolo o lola.

3. MITOLOHIYA Sa Pilipinas, maliit na matandang tao na may mahabang balbas at naninirahan sa punso.
DUWÉNDE, TÁONG-LUPÀ

Paglalapi
  • • kanunô-nunúan, ninunò: Pangngalan
Idyoma
  • pinalakí sa nunò
    ➞ Pinalayaw ng lolo o lola.
  • nunò ng tákaw
    ➞ Pinakamatakaw.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.